Mga miyembro:
Ednalino, Philip Vincent
Petalino, Phil
Rigoleto, Florendo
Rivera, Kevin
Ikalawang Semestre '08-'09
I. ANG TBS 13 gang
A. Panukalang Pahayag
Ang isang gang tulad ng TBS o True brown style ay isang organisasyong kinakahumalingan salihan ng mga kabataang Pilipino sa loob at labas ng Maynila.
B. Introduksyon
a. Pagtukoy sa Paksa
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa TBS o true Brown Style, isa sa mga gang na nagiging patok sa mga kabataang Pilipino.
b. Paglalahad ng Suliranin
Ang mga gang dito sa Pilipinas at sa buong mundo tulad ng TBS ay lagi na lang nadidikitan ng masamang mga konotasyon sa ating lipunan. Kesyo wala daw silang alam gawin kundi makipag-basag-ulo sa kalsada, mang-atraso sa mga tao sa lipunan at kung anu-ano pa. Kung kaya't ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay naghahangad na malinaw ang isipan ng mga tao na hindi naman lahat ng gang ay ganito ang layunin sa buhay. Mayroon ding mga gang na may magagandang layunin.
c. Kaligiran ng Paksa
Ang estado ng TBS gang ngayon ay patuloy ang kanilang mga gawain. Sa kanilang mga ginagawa ay tamang-tama ang kanilang lugar upang isagawa ang kanilang mga nais gawin dahil ang lugar ay makipot at kumbaga ay “squatters area”. Ang mga salik ng ng TBS gang una ay ang miyembro. Sa mga miyembro ng TBS gang umaasa ang paglakas ng buong gang sapagkat kahit magaling ang leader kung kakaunti ang miyembro ay hindi nila magagawa ang mga aktibidades ng buong gang. Ikalawa’y ang lugar. Sa lugar, dito ginagawa ng gang ang kanilang aktibidades at dito rin sila naghahari o namumuno at tinatayuan ng “campo”
d. Panlipunang Udyok sa Pagpili ng Paksa Panlipunan
• Pangkalahatan
Ang layunin nito ay makatulong sa larangan ng social science, upang maipaliwanag ang ugali at pananaw ng mga tao sa kanyang lipunan. Isa rin itong tulong para sa larangan ng psychology, dahil dito nauunawaan ng mga bumabasa ang ugali at galaw ng mga taong miyembro o gustong sumali sa gang. Ipinapakita din dito ang mga masama at mabuting dulot ng gang sa tao at sa kanyang kapwa at lipunan.
• Tiyak
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang dahilan kung bakit maraming sumasali sa gang na TBS o True Brown Style. Gayundin ang matukoy ang mga mabubuti at masasamang naidudulot ng pagsali dito. Layunin din ng pananaliksik na ito na matukoy at malaman ang mga kadahilanan ng miyembro ng gang kung bakit sila sumali rito, kung sila ba ay natutulungan nito, kung binbigyan sila ng pagmamahal at atensyon na hindi nila nakikita o nadarama sa kani kanilang mga magulang at higit sa lahat, layunin nito na malaman kung bakit nabuo ang TBS at kung anu ano ang mga paniniwala, adhikain o layunin nito.
E. Halaga
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang maipaliwanag sa lahat ang dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling na sumali sa True Brown Style Gang o TBS. Nais ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito na matulungan ang mga gang na maalis sa mga tao ang negatibong konotasyon sa mga gang, na maipaliwanag sa mga tao na mayroon din namang mga magandang mapupulot sa pagsali dito.
F. Theoretical Framework
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao).
Ang unang kabanata ng pananaliksik na ito ay tungkol sa paksa na “Dahilan kung bakit maraming nahuhumaling na sumali sa gang na TBS o True Brown Style” at ang paglalahad ng mga suliranin nito. Nasa unang kabanata din ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa panananliksik na ito. Kasama din dito ang kahalagahan, layunin at metodolohiya na ginamit ng mga mananliksik na interbyu at saklaw at delimitasyon ng pananaliksik na ito.
Ang ikalawang kabanata ng pananaliksik na ito ay tungkol sa introduksyon sa paksa at ang mga datos sa pananaliksik na ito. Kasama din dito ang pinagmulan ng gang, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo at lahat ng tungkol sa gang. Makikita din dito ang kinalabasan ng interbyu at lahat ng mga impormasyong nakalap at napag-sama-sama mula sa interbyu at ibang pag-aaral.
Ang huling kabanata ng pananaliksik na ito ay tungkol sa analysis ng mga datos, ang napagtanto ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito at ang maaaring irekomenda ng mga mananaliksik pagkatapos maisagawa at maisaayos ang pananaliksik na ito.
a. Depinisyon at Paglalarawan ng Gang
Ayon kay Steve Nawojczyk, ang gang ay maaaring tawagin na malaya at organisadong grupo ng mga indibidwal na sama-samang nagtutulungan para sa pang-sosyal na kadahilanan. Sa malawakan, ang mga gang ay mayroong lider o grupo ng mga lider na nagbibigay ng mga utos at nagsisimula ng mga aktibidad ng gang. Ang isang may maaaring rin magsuot ng kanilang mga kulay o tiyak na klase ng kasuotan, tattoo at tatak na ang nakalagay ay ang pangalan, logo at marka ng kanilang gang sa kanilang mga katawan. May mga gang na naglalagay ng iba’t-ibang klase ng estilo ng buhok at naguusap gamit ang iba’t-ibang senyas ng kamay at mga graffiti sa mga pader, sa kalsada, sa mga gawain pangpaaralan at sa mga pagaari ng paaralan. Dapat ay maintintindihan ng lahat na hindi ilegal na mapasama o sumali sa isang gang at walang duda na maraming mga taong nasa sapat ng gulang ang nabibilang sa ganitong mga gawain. Gayon pa man, marami sa mga gang ngayon, lalong lalo na ang mga gang ng mga kabataan, ang lumalabag sa batas para makapagbigay ng pondo para sa mga aktibidad ng gang o para maitaguyod ang reputasyon ng gang sa mga kalye.
Ang mga gang ay maaaring matukoy bilang isang panglungsod na gang o manatiling isang lokal na teritoryo. Ang mga pagsulong sa lokal na intelehente ay isang parte ng mandatory sa pakikipagugnayan sa ganitonmg problema. Ang mga paaralan ay dapat paunlarin ang komunikasyon sa mga opisyal na nagpapatupad ng batas para masundan at maiwasan ang paglaki ng mga gang at mga kaguluhan.
Sa ibang bansa, ang mga gang ay nasangkot sa mga kriminal na gawain mula sa pagiging kapatiran. Iba sa kanila ay nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, nagnanakaw ng mga sasakyan, gumagawa ng mga kalupitan, nagnanakaw at karamihan sa kanila ay ginagawa ang lahat ng mga ito.
Ang mga grupo na nagsisimula bilang isang banda ay nagiging mga bayolenteng gang na nagpapasimuno ng ipinagbabawal na gamot, ang ilan ay pinapanatili ang gang, ang iba ay sa koleksyon at ang iba ay sa ibang kadahilanan. Karamihan sa mga gang ay naghahangad ng kapangyarihan o tinatawag na ‘‘juice’’ o mas kilala na gang slang. Ilang taon na ang nakalilipas, may isang utos sa gang ang ipinatupad ng flying fists. Ngayon, ito ay inayos ng flying lead. Ang pagsali sa grupo na kilala sa reputasyon, mabuti o hindi, ay nagbibigay sa mga kabataan na naghahanap ng layunin para mapabilang sa kanila. Ang mga partisipante ay minsang nagsabi na ang interaksyon ng kasapi, pakikinig sa isang problema sa buhay, at pakikibahagi ng ibang karanasan ng mga kabataan ngayon ay nahaharap na maging isang banger. Ang mga kasapi sa gang ay humihingi ng respeto o takot sa iba na nasa paligid niya. Sabi nila ang pera ay dumadaloy at kasama nito ay ang lahat ng bagay na kaugnay ng materyal na kayamanan na karaniwan lampas pa sa abot ng mga kabataan na walang kriminal na gawain sa pagkakasali sa isang gang.
Ang lahat ng ito ay isang heavy trip para sa ibang mga kabataan. Kapag ang isang bata ay napasok sa isang gang, palagi silang sinasabihan na wala na itong atrasan. Natatakot sila sa seryoso at marahas na ganti sa ibang mga kamiyembro ng gang kung sila ay kakalas. Ang iba sa kanila ay napagsabihan na kaya nilang patayin ang kanilang mga magulang katumbas ng kanilang paglaya. Kailangan tandaan kapag nakikipag-ugnayan na may kasali na bata na ang paniniwala naming ay dapat ipagisang tabi sapagkat ang mga paniniwala ng mga kabataan ay kung ano ang ating pinaguugnayan, at masasabi mo na sila ay naniniwala na lahat ng bagay na sinasabi ng gang sa kanila. Ang mga miyembro ng gang ay maaaring ikatwiran ang mga susmusunod na dahilan sa pagsali sa gang: pagkakakilanlan, rekognisyon, ari-arian o belonging, disiplina, pag-ibig, at pera.
May mga kabataan ang nakikilahok sa gang dahil sa harassment. Ang mga gangs ay nagbibigay ng proteksyon sa kani-kanilang mga pamilya at kasapi laban sa mga ibang gang pati na rin sa mga banta sa kanila.
Ang mga gang ay hindi na bago sa atin. Maraming malalaking departamento ng pulis ang may gang units para mamonitor ang mga imigranteng gang na nagpoprotekta sa kanilang mga komunidad at nagsasama sama para sa pang-sosyal na kadahilanan.
Ang gang ay minsan nagbabago ng apilasyon. Dapat tandaan na ang mga gang ay mabilis magbago sa lipunan at ito ay nangyayari araw-araw. Pinupunto nito ang kahalagahan ng lakas na abilidad sa pagmomonitor sa paglaki at kilusan ng mga grupo.
Para sa pagkakaroon ng mabuting paguunawaan sa gang, ang mga sumusunod ay isinasaalang-alang, ang tatlong “R” sa kultura ng gang:
(1) Reputasyon. Ito ang kritikal na malasakit sa mga “gangbanger” o gang member. Ito ay ipinaparating hindi lamang sa bawat indibidwal kundi sa buong gang. Sa ibang grupo, ang estado o ranggo ay nakakamit sa loob ng gang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pinaka-“juice” base sa laki ng reputasyon. Ang mga miyembro ng gang ay nagagayak ang mga dati nilang mga aktibidad sa isang pagtatangka para idiin ang kanilang pag-uusap bilang partner. Sila ay malayang nakakagawa ng mga krimen. Sa mga ibang gang, para maging isang kasapi, kailangan na magpaka-“jump in” sa isa sa mga miyembro ng gang. Ito ay itatakda sa pagiging “beaten down” hanggang sabihin ng lider na itigil ito. Pagkatapos, ang lahat ay magyayakapan isa-isa para maitaguyod ang “G thing”. Itong aksyon ay nangangahulugan na pagtibayin ang ugnayan nila bilang isang pamilya. Ang mga mababatang kasapi, hardcore o asosado, ay magsasabi ng pagkakasama-sama, damdamin ng pagbibigayan, at ari–arian o belonging bilang isang rason para makasali sa gang.
(2) Respeto. Ito ay isang bagay na kailangan at ang mga ibang kasapi ay gustong makamit ito ng todo. Ang respeto ay nakikita hindi lamang sa isang indibidwal kundi pati na rin sa isang set o gang, pamilya, teritoryo, at iba’t-ibang mga bagay, totoo o mulat sa isipan ng isang “gangbanger”. Ang ibang gang ay nangangailangan, nakasulat man o oral na regulasyon, na ang mga sila ay kailangang laging itago ang respeto sa kalaban na gang. (ang dis ay nangangahulugan sa gang slang). Kung ang isa sa kanila ay saksi sa kapwa miyembro na mabigo sa "dis" ng kalaban na gang gamit ang mga senyas, graffiti, o simpleng “mad dog” o stare-down, maaari silang mag-issue ng “violation” sa mga kapwa nila miyembro at siya ay ma-“beaten down” ng kanyang gang bilang parusa sa kanya.
(3) Retaliation o Ganti. Ito ay dapat maintindihan na sa kultura ng isang gang, walang hamon ang hindi nasusulusyonan. Sa maraming pagkakataon, mga drive-by shooting at mga ibang aksyon ng bayolente ay nasusunod sa isang pangyayari bilang dis. Ang karaniwan nangyayari ay komprontasyon ng isang gang set laban sa kanilang kalaban na “gangbanger”. Ito ay aalis sa kanyang teritoryo at babalik kasama ang kanyang “homeboys” para magkompetensya sa komprontasyon para manatili ang kanyang reputasyon. Maaari itong mangyari agad at susundan ng pagbagal para sa pagpaplano at para maihanda ang kakailanganing sandata para makipaglaban sa retaliatory strike. Ito ay dapat unawain na may mga bayolenteng aksyon ang nahahantong sa masamang pakikipagugnayan sa droga or infringement sa drug territory. May mga tao ang nagtatanong o nanghuhusga sa authenticity ng gang rivalry sa pamamaril at iba pang bayolenteng gawain. Gayon pa man, kung ang isang grupo ng indibidwal ay sama-samang nagsasagawa ng parehong random o pre-planned violence, masasabi ba nating sila ay isang gang? Kung ang aspeto ng gang ay natututunan, maraming krimen ang nasusulusyonan sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na intelehenteng kumakalap na teknik at mga law enforcement agencies na nakikiugnay sa problemang ito. Sa gangbanging, ang mga saksi ngayon panahon na ito ay mga suspetsa o suspek sa hinaharap, ay ang susunod na biktima sa ngayong panahon.
b. Kasaysayan ng Gang sa Mundo
Ang mga gang ay patuloy na dumarami mula noong sila ay nagsimulang mamuhay sa ating mundo. Ang salitang thug ay nagsimula sa
Bilang isang street gang, na impluwensya ng mga mobsters tulad ng Capone, anang gang noong 1920s at 1930s ay naging simbolo ng mga etnikong ghettos. Nakikita ng mga bagong immigranteng komunidad at mga ghettos ng amerika ang mga kabataan na bumubuo ng mga gang. Ang mga African Americans, Asians at Hispanics ang bumubuo sa karamihan ng street gangs. Noong pasimula pa lang ang 1940s, ang mga Mexican gangs ay nabuo sa bandang kanluran ng Estados Unidos. Mga bandang huli ng 1940s at pasimula ng 1950s, ang gangs
Ang Crips ay isang street gang na nagsimula sa
Ang mga aktibidades Crips ay orihinal na ginagawa sa loob ng mga paaralan at ang mga gang na ito ay lumikha ng reputasyon para sa karahasan at pangingikil. Kahit may mga Black gangs sa ibat’ ibang lugar sa bansa ay may mga ibang etnikong grupo ang gumaya sa pangalan ng Crip dahil sa patuloy na pagiging kilala sa kasamaan ng Crips at ang kanilang karibal, ang Bloods.
Noong 1971, ang Avalon Garden Crips at ang Inglewood Crips ay nagsama sama pati na rin ang mga ibang mga crip set. Ang Crips ay nagsimulang lumawak hanggang sa mga non-Crip gang territories. Ang L.A. Brims na nagsimula noong 1969 sa banding kanluran ng Amerika ay nagging isang makapangyarihan nastreet gang, subalit hindi sila Crips, at ang Blood alliance ay hindi naitatag. Ibat’t ibang gang na nagging parte na ng Blood family ay kasalukuyang namamalagi ngayon.
Mayroong mga Piru Street Boys sa Compton, ang Bishops, Athens Park Boys at ang Denver Lanes. Ang Pirus na Blood na ngayon ay nakikihalubilo sa mga Crips prior hanggang noong 1972. Sa maikling panahon ay nagging kilala sila bilang Piru Street Crips, at sila ay nagsuuot rin ng mga tradisyonal na bughaw na bandana bilang kanilang sagisag.
Noong 1972, ang Crips sa Compton, at ang Pirus ay nagkaroon ng kolisyon, at nahantong sa rambol. Ang Pirus ay kumunti , at ang Crips ay nangingibabaw. Ang Pirus ay gustong wakasan ang mapayapang relasyon sa mga Crips upang makasanib sa Lueders Park Hustlers para maging back-up. Sila ay sumang-ayon at napatawag ng miting sa Piru Street. Pinaslang ng Crips ang isang miyembro ng L.A. Brim noong taon na iyon, kaya naman inimbita ng Pirus ang Brims na dumalo sa kanilang miting. Ang iba na dumalo ay ang mga Denver Lanes, at ang Bishops.
Pinagusapan nila kung papaano masusupil ang mga Crip sa pamamagitan ng pagbuo ng isang bagong alyansa. Sa oras na iyon, ang kulay ng kanilang mga bandana ay hindi importante subalit mula noong nagging kilala ang Crip sa kanilang bughaw na bandana, ang Pirus at ang ibang grupo ay nagdesisyon palitan ang kanilang bughaw na bandana at palitan ito ng pula at lumikha ng bagong organisasyon na mas kilala ngayon na Bloods.
Ang Pirus, Brims, Athens Park Boys, at ang Pueblos ay nagdesisyon na sumama sa Bloods, at hindi nagtagal, ang mga ibang grupo na binanta at sinalakay ng Crips ay sumali rin sa Bloods.
d. Kasaysayan ng TBS sa Pilipinas
Nabuo at nagsimula ang TBS sa isang samahan ng 4 na balikbayan na galing sa amerika at impluwensyado ng Bloods doon. Ipinunta nila ang lahat ng kaugalian doon dito sa Pilipinas. Ang apat na taong yun ay tinatawag na “4 OG the TBS fathers”. Sinasabing nandito sila sa Pilipinas kung kaya’t tinatago at hindi sinasabi ang kanilang mga pangalan upang sa ikakaligtas ng kaniloang mga sarili. Mas lalong nabuo ang mundo ng gang dahil sa mga rap na kanta ni Andrew E. Si Andrew E. na isang rapper ay miyembro ng TBS gang Antipolo hood. Dahil sa paglaganap ng bloods ay nagtayo ang mga Pilipino na at ginaya ang western gang na tinatawag na Crips. Sa una’y hindi ito pinapansin ng mga bloods pero ng tumagal ay naging magkalaban ito. Sa ibang parte ng Pilipinas ay nagkakasundo ang Bloods at Crips at nagdesisyong bumuo ng grupo na isa lang ang dinadalang panagalan ang TBS 13 gang. Ang TBS 13 gang ay nahahati sa dalawa ang BLOODS at ang CRIPS.
B. Mga Datos Tungkol sa TBS Gang
Ang buhay ng TBS ay isang walang kasiguraduhan. Kahit anong edad mapa bata, matanda o may pamilya na ay nahuhumaling sumali dito, dahil sa gang ang buhay nila ay nagkakakulay.
Ang pagpasok sa gang ay hindi biro sa mga lalaki , ito’y isang delikadong proseso na nagbabadya ng panganib sayo. Tinatawag na 30 secs massacre ang initiation rights nila, dito ay tatlumpong sigundo ang oras para ika'y mahirapan sa pamamagitan ng suntok, sipa, at kung anong pwedeng maihampas sa buong katawan mo na minsa’y malaking bato, bakal na tubo o upuan na wala kang ginagawa kundi tanggapin lahat ng ito at nakapiring at dilim lang ang nakikita. Sa kanilang initiation rights ay walang bilang ang mga suntok at sipa o ang pagpalo ng kung anu-ano at wala din eksaktong bilag ang magpapahirap sayo, ibig sabihin pwedeng lahat sila ang gagawa nun sayo sa loob ng 30 secs.
Sa mga neophytes naman na babae ay may dalawa silang pagpipilian ito’y ang bantog na SARAP o HIRAP. Ang una’y Hirap o ang pagsampal sa babae ng labing tatlong hagupit ng kamay na lalapat sa mukha ng neophytes. Walang pakialalam ang sasampal kung mabali man ang iyong leeg o masugatan sa mga kuko. Ang ikalawa’y ang sarap o ang pakikipagtalik ng neophyte na babae sa leader ng TBS gang. Karamihan ng mga babaeng miyembro ng gang ay sarap ang pinipili upang hindi na makaranas ng sakit sa katawan at lapat ng kamay sa mukha. At sa pagkakataon na ang babae’y nabuntis ay walang pananagutan ang leader ng gang sa kanya.
Sa loob ng TBS gang ay may tinatawag na OG o original gangster siya ang lalaking leader ng TBS gang. Ang kanyang mga salita ay hindi nababali at respetado siya ng kanyang mga miyembro. Pasan ng OG ang lahat ng nangyayari sa gang. Ang OG ay ang unang nagtatanggol sa kanyang miyembro kung sila’y naargabyado ng ibang gang o tao. Ang OG ay ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanyang mga miymebro at nagbibigay ng mg utos sa mga miyembro nito. Ang OG ay ay may pribelihiyo ng pakikipagtalik sa mga babaeng neophytes na gustong sumama sa gang na ito.
III. Analysis ng Pag-aaral
Mga Sanggunian
Myers, Jim (September 2000). Is There A Youth Gang Epidemic?. Youth Today, pp. 48-50.
Lahey, Benjamin B. & et. al. (January 19, 1999). Boys Who Join Gangs: A Prospective Study of Predictors of First Gang Entry. Journal of Abnormal Child Psychology, Vol.27,1999, pp.261-276.
http://en.wikipedia.org/wiki/Gang
http://www.angelfire.com/hiphop/truebrownstyle13/mainpage.html
http://www.gangwar.com/dynamics.htm
http://www.gripe4rkids.org/his.html
Nais ng mga mananaliksik nito na pasalamatan ang mga sumusunod dahil sa kanilang kontribusyon upang mabuo ang pananaliksik na ito tungkol sa TBS gang:
· Mga miyembro ng TBS 13 gang.
· Ang mga may akda ng libro na ginamit sa pananaliksik na ito.
· Ang mga website tulad Wikipedia.com at iba pa.
· Sa lahat ng miyembo ng grupo ng mga mananaliksik na ito upang mabuo ang pananaliksik.